Sen. Go, hinikayat ang PhilHealth na magkaroon ng libreng dialysis ang lahat na members nito

Sen. Go, hinikayat ang PhilHealth na magkaroon ng libreng dialysis ang lahat na members nito

HINIHIKAYAT ni Senator Bong Go na palawakin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang coverage sa inaalok na free dialysis program.

Sa kanyang Senate Bill no. 190, ninanais niya na mabigyan ng free dialysis ang lahat na myembro ng PhilHealth.

Pahayag ito ng senador kasabay sa plano ng PhilHealth na taasan ang coverage ng kanilang hemodialysis na mula 90 sessions at magiging 156 na ito.

Aniya, nakasaad sa 2023 national budget ang 21 billion pesos na pondo para sa pagpapaunlad ng iba’t ibang PhilHealth packages sa ilalim ng Universal Health Care Act kabilang na ang expanded dialysis package na ngayo’y ipinapatupad na.

Follow SMNI NEWS in Twitter