Skip to content
Thursday, November 26, 2026
  • Menu Item
  • Menu Item
  • Menu Item
  • Menu Item
  • Menu Item
  • Rumble
SMNI NEWS CHANNEL

SMNI NEWS CHANNEL

TRUTH THAT MATTERS

  • National
  • Regional
  • Metro
  • International
  • Sports
  • Showbiz
  • Business
  • Kingdom News
  • Photos
    • News Update
    • Quote Cards
  • Videos
Navigation
  • Home
  • National
  • Sen. Mark Villar, isinusulong ang mas matibay na proteksiyon kontra abusadong online lending apps
Sen. Mark Villar, isinusulong ang mas matibay na proteksiyon kontra abusadong online lending apps
National

Sen. Mark Villar, isinusulong ang mas matibay na proteksiyon kontra abusadong online lending apps

November 25, 2026 Aaron Roxas

Isinusulong ni Sen. Mark Villar ang mas mahigpit na pagbabantay at regulasyon ng pamahalaan sa mga online lending application (OLA) kasunod ng mga reklamong may kinalaman sa labis na taas ng interes, mapang-abusong paraan ng paniningil, at mapanlamang na sistema ng pagpapautang na lalong nagpapahirap sa mga Pilipino.

Sa kaniyang pagtatanong sa panukalang 2027 badyet, binigyang-pansin ni Villar ang mga reklamong natanggap ng kaniyang tanggapan mula sa mga indibidwal na humingi ng tulong kaugnay ng kuwestiyonableng gawain ng ilang online lending platform. Ipinahayag niya ang pangamba na maraming nanghihiram ang napipilitang lumapit sa mga aplikasyon na ito dahil sa kagipitan sa pera, ngunit sa halip na makatulong ay lalo silang nababaon sa utang dahil sa sobrang singil, paulit-ulit na pangungutang, at mapang-abusong paraan ng paniningil.

“Marami na po tayong natatanggap na reklamo tungkol sa mga online lending app, lalo na sa mga nangungutang na nababaon sa utang dahil sa tinatawag na ‘debt trap’ at ‘tapal system’ na dulot ng mapanlamang na sistema ng pagpapautang ng ilang OLA,” ani Villar.

Kabilang sa mga reklamong ito ang labis at mapagsamantalang interes, kuwestiyonableng pamamaraan ng paniningil, at iba pang uri ng pang-aabuso na higit na nakaaapekto sa mga nanghihiram na nasa mahirap na kalagayang pinansiyal.

“Hindi naman mayayaman ang karamihan sa mga taong nanghihiram sa mga serbisyong ito. Sila ay mga pinagdaraang pinansyal, at lalo pang lumalala ang kanilang sitwasyon dahil sa ganitong mga gawain. Marami pong biktima ang lalo pang nalulubog sa utang at nakararanas ng walang tigil na pangungulit at pananakot sa pamamagitan ng mga tawag at text mula sa mga online lending app,” diin niya.

Bilang pangunahing may-akda ng Republic Act No. 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), at tagapangulo ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies, iginiit ni Villar ang pangangailangan ng mas mahigpit na regulasyon at pagpapatupad ng mga batas upang maprotektahan ang mga mamimili laban sa mapang-abusong operasyon ng mga online lending company.

Bilang tugon sa mga alalahanin ni Villar, ipinaliwanag ng Securities and Exchange Commission (SEC) na kinakailangang magparehistro at sumunod sa umiiral na mga regulasyon ang mga online lending company. Naglalabas din ang Komisyon ng mga pampublikong babala laban sa mga hindi awtorisado o kuwestiyonableng aktibidad sa pagpapautang. Maaari rin itong magpataw ng parusa, magsuspinde ng operasyon, o magbawi ng lisensya ng mga kompanyang mapatutunayang lumalabag sa mga regulasyon.

Humingi rin si Villar ng update mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa mga hakbang nito laban sa mga financial scam at sa pagpapalakas ng proteksiyon sa mga mamimili. Iniulat ng BSP na pinahusay nito ang mga rekisito sa fraud management at information technology, gayundin ang mga mekanismo nito sa pagtatanong at pansamantalang pagpigil sa paggalaw ng pondo sa ilalim ng AFASA framework.

Nakikipag-ugnayan din ang BSP sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at mga institusyong pinansiyal na saklaw ng pangangasiwa nito upang maiwasan, maimbestigahan, at mapigilan ang mga financial scam.

Patuloy rin nitong sinusubaybayan ang pagpapautang sa mga mamimili sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabantay sa mga institusyong pinansiyal, kabilang ang pagsunod sa maayos na pamantayan sa pagpapautang, pagsusuri sa kakayahan ng mga nanghihiram na magbayad, at pagpapalakas ng pamamahala sa panganib at proteksyon sa mga mamimili.

Binigyang-diin ni Villar na nangangailangan ng tuloy-tuloy na pagkilos ng pamahalaan at mas mahigpit na koordinasyon ng mga kinauukulang ahensiya ang paglaban sa mga financial scam at mapang-abusong pamamaraan ng pagpapautang upang matiyak na mapoprotektahan ang mga nanghihiram at mapapanagot ang mga lumalabag.

“Mahalagang matugunan ang mga OLAs dahil marami nang Pilipino ang nabiktima ng mga mapanlinlang na gawaing ito. Kaya nananawagan ako sa SEC at BSP na higit pang palakasin ang kanilang pagbabantay at regulasyon sa mga online lending app, lalo na sa mga kumpanyang nananamantala sa ating mga kababayan,” ani Villar.

Kaakibat ito ng patuloy na pagsusulong ni Villar ng mga hakbang na magpapalakas sa proteksiyon ng publiko laban sa pandaraya at mapang-abusong mga gawain sa sektor ng pananalapi. Bukod sa pagiging pangunahing may-akda ng AFASA, inihain din niya sa 20th Congress ang Senate Bill No. 91 o ang panukalang Philippine Scam Prevention Center Act, at Senate Bill No. 92 o ang panukalang Enhanced Consumer Act of the Philippines.

“Bilang pangunahing may-akda ng AFASA, sisiguraduhin nating lubos itong maipatutupad upang maprotektahan ang ating mga kababayan laban sa mga mapang-abusong online lending app at mapanatili ang tiwala ng publiko sa ating digital financial system. Paiimbestigahan din po natin ang mga isyung ito sa ating komite sa lalong madaling panahon. Asahan ninyo ang patuloy nating pagsusulong ng mga batas at reporma para sa mas ligtas at responsableng sektor ng pananalapi sa bansa,” pagtatapos ni Villar.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Anti-Financial Account Scamming Act
Share
Facebook Twitter Pinterest Linkedin

Post navigation

Optional retirement age na 56, inaprubahan ng Kamara
LTO, nanguna sa reklamo sa mga ahensiya ng gobyerno — ARTA

You May Like This --

  • terrorism financing

    Pasaherong wanted sa terrorism financing, arestado sa NAIA

    November 25, 2026
  • Paggamit ng tuktuk

    Paggamit ng tuktuk ni Marcos Jr. sa ASEAN Summit, nakakadismaya—LTOP

    November 25, 2026November 25, 2026
  • Usec. Markus Lacanilao

    Usec. Markus Lacanilao, sinalubong ng MARINA bilang bagong administrador

    November 25, 2026November 25, 2026

Live Streaming

Latest News

  • Pasaherong wanted sa terrorism financing, arestado sa NAIA November 25, 2026
  • 313 Libong manggagawa sa Ilocos, Cagayan, may dagdag-sahod November 25, 2026
  • Japan, maagang magbabayad ng pondo sa ICC November 25, 2026
  • Paggamit ng tuktuk ni Marcos Jr. sa ASEAN Summit, nakakadismaya—LTOP November 25, 2026
  • Usec. Markus Lacanilao, sinalubong ng MARINA bilang bagong administrador November 25, 2026
  • 109 LGUs, nagdeklara ng state of calamity dahil sa El Niño—OCD November 25, 2026
  • GlobalPort Polo Team, umabante sa Copa La Martina finals November 25, 2026
  • Dobleng Go Rewards points sa mga booking, handog ng Cebu Pacific November 25, 2026
  • Detroit Pistons at Celtics, nagwagi sa NBA Cup matchups November 25, 2026
  • P1.5-milyong halaga ng marijuana, binunot at sinira sa Benguet November 25, 2026

Follow Us on Rumble

SMNI News on Rumble

Popular | Recent

  • Popular Posts
  • Recent Posts
  • National

    VP Robredo, nilinaw na hindi siya ang babaeng binakunahan sa nag-viral na larawan

    March 3, 2021March 3, 2021
  • National

    De Lima, muling binatikos ni Duterte kaugnay sa isyu ng ilegal na droga

    April 13, 2021September 13, 2023
  • Sara Hugpong ng Pagbabago
    Regional

    Davao City Mayor Sara Duterte, nagbitiw na mula sa Hugpong ng Pagbabago

    November 11, 2021September 13, 2023
  • Boracay, tatanggalin na ang RT-PCR test para sa mga fully vaccinated tourist simula sa Nov. 16
    Regional

    Boracay, tatanggalin na ang RT-PCR test para sa mga fully vaccinated tourist simula Nov.16

    November 12, 2021November 12, 2021
  • terrorism financing
    National

    Pasaherong wanted sa terrorism financing, arestado sa NAIA

    November 25, 2026
  • 313 libong manggagawa
    Regional

    313 Libong manggagawa sa Ilocos, Cagayan, may dagdag-sahod

    November 25, 2026
  • pondo sa ICC
    International

    Japan, maagang magbabayad ng pondo sa ICC

    November 25, 2026
  • Paggamit ng tuktuk
    National

    Paggamit ng tuktuk ni Marcos Jr. sa ASEAN Summit, nakakadismaya—LTOP

    November 25, 2026November 25, 2026

COVID-19

maagang paggamit ng sigarilyo
Health News Update National

DOH, ikinaalarma ang maagang paggamit ng sigarilyo at vape ng mga bata

November 21, 2026
Maagang paggamit ng sigarilyo at vape ng mga bata, ikinaalarma ng DOH matapos matukoy na may mga batang edad walo hanggang siyam na taong gulang
  • tumaas ng 17%
    Health News Update National

    Kaso ng influenza-like illness, tumaas ng 17% noong Oktubre

    November 12, 2026
  • like illnesses
    Health News Update

    DOH: Kaso ng flu-like illnesses sa bansa, tumaas ng 31% sa loob ng 2 linggo

    November 5, 2026November 7, 2026
  • pagbabakuna kontra influenza
    Health News Update National

    DOH maglulunsad ng pagbabakuna kontra influenza ngayong linggo

    October 26, 2026
  • Leptospirosis cases
    Health News Update National

    Leptospirosis cases, bumaba ng 36%

    October 6, 2026
  • dengue
    Health News Update Metro

    38 bagong kaso ng dengue, naitala sa Maynila

    October 5, 2026October 5, 2026
  • San Lazaro
    Health News Update Metro

    157 pasyente naka-admit sa San Lazaro Hospital dahil sa leptospirosis

    August 28, 2026

Subscribe

• Pinas Global News Paper
• SMNI News Channel WebTV
• DZAR 1026 Radio Program

Follow Us

• Facebook
• Twitter
• YouTube
• Instagram
• Rumble

The Company

• About SNC
• Contact Us
• News Letter
• Letter to the Editor
• Advertise with us

Proudly powered by WordPress | Theme: Refined News by Candid Themes.

Necessary cookies enable essential site features like secure log-ins and consent preference adjustments. They do not store personal data.
None
Functional cookies support features like content sharing on social media, collecting feedback, and enabling third-party tools.
None
Analytical cookies track visitor interactions, providing insights on metrics like visitor count, bounce rate, and traffic sources.
None
Advertisement cookies deliver personalized ads based on your previous visits and analyze the effectiveness of ad campaigns.
None
Unclassified cookies are cookies that we are in the process of classifying, together with the providers of individual cookies.
None