Sen. Pangilinan, iimbestigahan ang nangyayaring underspending sa Bayanihan 2

AYON kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan, parte ng mabagal na pag-usad ng ekonomiya ng Pilipinas ang underspending ng ilang ahensiya ng gobyerno sa mga pondong nakalaan para sa COVID-19 response, kabilang ang Bayanihan 2.

Aniya, base sa datos ng Department of Agriculture, pitong buwan mula ng maipasa ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2, ay 25% pa lamang ang naigastos ng ahensiya.

Nakapagrehistro rin ng annual budget underspending ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Giit ng senador walang rason para madelay ang pagkilos ng iba’t ibang ahensiya.

Saad ng senador, isang resolusyon ang kanyang ihahain sa susunod na linggo upang siyasatin at umusad na ang mga nakatenggang pondo.

Suportado naman ni Pangilinan ang pagpasa sa Bayanihan 3 ngunit binigyang diin ng senador dapat masolusyunan at maunang munang magastos ng maayos ang mga pondo sa ilalim ng Bayanihan 2.

Samantala, ipinunto rin ng Senador na hindi sapat ang pagpapatupad ng price ceiling upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Hindi lang ang pagmamanipula ng ilang traders sa presyo ang dahilan kung bakit nagmahal ang mga bilihin, aniya ang pangunahing rason dito ay ang kakulangan ng suplay.

Dagdag ng senador, nagkulang ang DA sa pagpataw ng parusa sa mga profiteers at hoarders kung kaya’t hindi umangat ang suplay ng mga produkto.

Aniya, dapat itong mapalakas para wala ng magtatangkang manamantala sa gitna ng pandemya.

Giit ni Pangilinan, dapat ang naturan kombinasyong ng mga hakbang ang dapat gawin ng Department of Agriculture upang tuluyan ng masolusyunan ang pagmahal ng mga bilihin sa bansa.

SMNI NEWS