Sen. Robin Padilla, nakuha ang suporta ni Pastor Apollo sa pagsusulong ng Charter Change

Sen. Robin Padilla, nakuha ang suporta ni Pastor Apollo sa pagsusulong ng Charter Change

NAKUHA ni Senador Robinhood Padilla ang suporta ni Pastor Apollo C Quiboloy sa adbokasiya nito na repasuhin na ang Saligang Batas.

Nitong Biyernes ng gabi nagkaroon ng pagkakataon si Pastor Apollo na makausap si Sen. Padilla.

At dito napag-usapan nila na napapanahon na ang pagkakaroon ng Charter Change sa bansa.

“Yun po ang isang pinakausap ko ngayon sapagkat sa akin pong ilang buwan sa Senado nakikita po natin sa Senado, siyempre hindi naman tayo nagbulag-bulagan nakikita natin nararamdam natin gusto nating mapabilis ang responde ang serbisyo ng gobyerno. Ang pag-asa natin ay mapalitan natin ang konstitusyon hindi ko naman inaapi o sinasabi na minamaliit ang 1987 Constitution kundi 2022 na po kasi next year 2023 na hindi naman po siguro masama na after 34 years eh magbago naman tayo ng konstitusyon natin. Hindi naman siguro ito mali hiningi natin ang tulong ni Pastor na sa pag-iikot ng komite ng pag-amyenda ng konstitusyon ay masamahan tayo ng SMNI makarating sa lahat ng kababayan natin hindi lamang dito sa Pilipinas siguro kundi sa abroad. Eh ‘yan ang paraan na nakikita ko dahil ang SMNI ay kalat sa lahat ng sulok ng mundo nandun kayo kaya humingi ako ng tulong kay Pastor,” pahayag ni Sen. Padilla.

Kaugnay rito, nagpahayag naman ng suporta ang butihing Pastor sa pag-amyenda ng Saligang Batas.

“Maganda naman marami kaming napag-usapan, maganda naman ang pinag-usapan namin ‘yung about sa trabaho ni Senator Robin bilang number 1 senator. Masipag naman siya at marami siyang panukala ‘yung Charter Change, ‘yung pederalismo kailangan na talaga ng Charter Change kasi ang Saligang Batas obsolete na yun archaic,” pahayag naman ni Pastor Apollo.

Isa lamang si Senador Padilla sa mga opisyal ng gobyerno na dumudulog kay Pastor Apollo.

Humihingi rin ng suporta ang senador mula kay Pastor katuwang ang SMNI na nakikita nitong mainam na kasama ng pamahalaan sa pagpapaabot ng tamang impormasyon para sa bayan.

Pero bakit nga ba dumadami ang nagkakaroon ng kumpiyansa sa SMNI?

 “SMNI kasi walang kinikilingan, ang SMNI dedicated para sa nation-building, wala tayong ibang interes eh. We don’t have the interest of anyone, any person, particular any person in mind na ipagtatanggol natin kundi ang bansa lang ang ating tinututukan na ang elected officials natin.  Eh gawin nila ang kanilang mga trabaho at ang layunin talaga ay nation-building, yun talaga ang pinaka-bottom line natin,” ayon sa butihing Pastor.

Kaya naman hangang-hanga si Sen. Padilla sa SMNI dahil ito aniya ay tunay na public service na nagbabalita at nagmumulat sa taumbayan dahil sa tamang impormasyon na inihahatid sa publiko.

“Kaya ako ‘poy una binabati ko po ang SMNI dahil po sa inyong sipag kung baga ay narewardan na kayo dahil alam naman namin kayong lahat diyan ang nagbibigay ng serbisyo diyan sa SMNI. Eh hindi po tingin ninyo dito ay trabaho eh ito po ang isang bagay na hinahangaan natin sa lahat. Sa lahat ng bumubuo sa SMNI talaga public service hindi niyo po ito tinitingnan na trabaho kundi kayo ay nagbabalita, nagmumulat  para po ang ating mga kababayan ay hindi maging mangmang kaya congratulations SMNI,” ayon pa sa senador.

Samantala ilang sa mga anchors ng SMNI ay nagkaroon din ng pagkakataon na makipagkita kay Pastor Apollo gaya ni Atty. Mark Tolentino ang host ng Pinoy Legal Minds na napapanood sa SMNI tuwing Sabado mula 6:30 ng umaga hanggang 7:30 ng umaga.

Ipinaliwanag naman ni Atty. Tolentino kung bakit marami sa mga manonood ng SMNI ang tumatangkilik sa kaniyang programa.

“Ang Pinoy Legal Minds ay dinesign siya para ipalapit ang batas sa tao,+ ibig sabihin hindi ito program para maging matalino, ‘yung program para alam mo bilang isang Pilipino, bilang isang tao and kung ano ang right mo just in case may umabuso sa’yo. So, it means ang program natin hindi ito program para maging lawyer ka but program ito as a responsible citizen as a Filipino alam mo ang karapatan mo alam mo ang gagawin mo kung may problema ka,” pahayag ni Atty. Tolentino.

Si dating Presidential Spokesperson Harry Roque ay kabahagi na rin ng SMNI bilang anchor ng programang Pulso ng Bayan kasama sina Jade Calabroso at Admar Vilando.

Nagkaroon ito ng pagkakataon na makausap si Pastor Apollo nitong Biyernes at nagpahayag ng kaniyang pasasalamat sa butihing Pastor dahil nabigyan ito ng pagkakataon na maging bahagi ng kaniyang network.

“I am very, very happy to be part of SMNI dahil pinakita naman ng SMNI nung panahon ng eleksiyon na siya talaga ang natatanging estasyon na walang pinanigan kundi ang sambayanang Pilipino. It is an honored to be part of the SMNI family lead by Pastor Quiboloy,” pahayag ni Atty. Roque.

Asahan na magpapatuloy ang SMNI sa mandato nitong ‘Truth That Matters’ at walang takot sa pagsusulong sa kung ano ang katotohanan at tamang impormasyon na dapat malaman ng bayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter