Senado, sinimulan nang imbestigahan ang ilegal na pag-aresto kay FPRRD

Senado, sinimulan nang imbestigahan ang ilegal na pag-aresto kay FPRRD

BUONG puwersa ang mga kalihim ng administrasyong Marcos Jr, na dumalo sa pagdinig ng Senado kaugnay sa  pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Kabilang dito si Justice Secretary “Boying” Remulla, Interior and Local Government  Secretary “Jonvic” Remulla, Philippine National Police Chief Police General General Rommel Marbil, Criminal Investigation and Detection Group Director Police Major Nicolas Torre III, National Security Council Director General Eduardo Año, Defense Secretary “Gibo” Teodoro at iba pang opisyal ng gobyerno.

Sa opening statement ni Senadora Imee Marcos, Chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations, tinanong nito kung bakit ipinasa sa banyaga ang isang kapwa Pilipino, partikular ang isang dating Pangulo?

Binatikos din niya ang panlabas na panghihimasok sa hustisyang Pilipino, na para bang ang Pilipinas ay isang probinsya ng ibang bansa.

“Sabi nila, batas ang dapat manaig. Tama! Pero kaninong batas? Sa atin o sa kanila? Kailan pa naging probinsya ng The Hague ang Pilipinas?” pagtatanong ni Sen. Imee Marcos, Chairperson, Committee on Foreign Relations.

Sa kabila ng mabigat na pahayag ng Senadora ay naglabas naman ng hinanakit si Sen. Bong Go. Para sa senadora, na kilalang malapit sa dating Pangulo, ay kahit ano pa man ang kalalabasan ng pagdinig ay hindi nito maibabalik si dating pangulong Duterte na kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands na.

“Walang problema sa akin mag-hearing kahit araw-araw pero ang tanong maibabalik nyo pa ba si tatay Digong? yan ang tinatawag ko na too late the hero. Useless ang lahat ng hearing na ito kung hindi maibabalik si tatay Digong” pahayag ni Sen. Christopher “Bong” Go.

Layunin ng pagdinig ay linawin kung may hurisdiksyon nga ba ang ang ICC sa bansa.

Bagamat noong 2018 pa tumiwalag ang Piipinas sa ICC ay wala naman itong kinalaman sa paghuli kay Duterte ayon kay Justice Secretary “Boying” Remulla.

“The ICC tries for individual crimes not states. So the Philippines as a state cannot be called upon by the ICC to do something for them, but when the ICC is running after individuals who are Filipino citizens then that obligation is another kind of obligation,” paliwanag naman ni Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla, Department of Justice.

Giit din ni Remulla na batay sa prinsipyo ng International Humanitarian Law ay hindi pwede itago ng isang bansa mula sa ICC ang sinumang indibidwal na nagkasala.

Sinabi rin ng kalihim na ang pagdakip kay Duterte ay dahil kailangan ng Pilipinas na makipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol).

Paghuli kay FPRRD, walang Red Notice

Pero sa pagpapatuloy ng pagdinig ay ipinakita ni Senadora Imee ang batayan ng warrant of arrest na isinilbi kay dating Pangulong Duterte na aniya’y isa lamang diffusion letter at hindi isang red notice.

Kinuwestiyon ng senadora sa Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) kung bakit agad nakipagtulungan ang gobyerno sa pag-aresto gayung wala namang red notice.

Giit ni Sen. Imee ang diffusion letter ay hindi isang pormal na kahilingan mula sa Interpol.

Ayon kay Anthony Alcantara, Executive Director, PCTC, ang diffusion ay agad na ipinaabot ng Interpol sa mga Law Enforcement Agency tulad ng NBI, PNP, BI, at DOJ dahil sa kailangan na agad itong ipatupad.

Si Duterte ay inaresto sa parehong araw kung kailan lumabas ang diffusion.

Binigyang-diin ni Sen. Imee na nag mobilize ang pamahalaan ng 7K kapulisan para sa isang request ng Interpol na unverified.

Aniya, walang sinsasabi na nagmamadali pero lahat ng government resources pinaandar dahil sa isang rekwest ng kapwa myembro.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble