Senior Chinese official nanawagan sa Japan na sumunod sa ‘One-China’ Principle

Senior Chinese official nanawagan sa Japan na sumunod sa ‘One-China’ Principle

ANG isyu ng Taiwan at pagsunod sa One-China Principle ay ilan sa mga sensitibong paksang tinalakay sa pagbisita ng isang opisyal ng Chinese Communist Party sa Japan.

“I just had an in-depth exchange of views with Prime Minister Kishida on bilateral relations between our two countries and on interactions between the Communist Party of China and Japanese political parties. A consensus we reached is that both sides should keep high-level exchanges and effectively implement the important consensus reached by President Xi and Prime Minister Kishida on bilateral relations. At the same time, we should also promote mutually beneficial cooperation, and advance the mutually beneficial strategic relationship between China and Japan. Also we attach importance to some challenges and differences in existence between the two countries, and we hope we could gradually settle these issues through diplomatic channels and negotiations between the two sides,” ayon kay Liu Jianchao, CCP International Liaison Department Minister.

Sinabi ni Liu kay Kishida na dapat sundin ng Japan ang One-China Principle, na tumuturing sa Taiwan bilang isang hindi maaaring ihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina.

Kamakailan lamang, nagsagawa ang Beijing ng dalawang araw na military drills sa paligid ng Taiwan kasunod ng pahayag ng bagong presidente nito na si Lai Ching-te, na itinuturing ng Beijing na isang separatist.

Binanggit din ang pag-release ng Japan ng treated radioactive water mula sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant sa Pacific Ocean. Ang pag-release ng tratadong tubig na nagsimula noong nakaraang taon ay nag-udyok sa China na ipatupad ang isang blanket ban sa lahat ng importasyon ng seafood mula sa Japan.

Ang pagbisita ni Liu sa Japan ay kasunod ng isang trilateral summit sa pagitan ng South Korea, Japan, at China sa Seoul nitong nakaraang weekend.

Follow SMNI NEWS on Twitter