Singil ng kuryente ngayong Enero 2025, binabaan ng Meralco

Singil ng kuryente ngayong Enero 2025, binabaan ng Meralco

BUMABA ng halos 22 sentimos (P0.218) kada kilowatt-hour ang singil ng Meralco para sa January 2025.

Katumbas ito ng P44 na bawas sa kabuuang bill ng mga komukonsumo ng 200 kilowatt-hour sa isang buwan; P66 kung 300 kilowatt-hour; P89 kung 400 kilowatt-hour; at P112 para sa 500 kilowatt-hour.

Sa ulat, sanhi rito ang pagbaba ng generation charge o singil sa paglikha ng kuryente sa wholesale electricity spot market.

Itinuturong dahilan din ng posibleng pagbaba ng singil ang bumubuting suplay ng kuryente sa Luzon grid.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble