SLEX, magtataas ng toll fee simula ngayong Biyernes

SLEX, magtataas ng toll fee simula ngayong Biyernes

SIMULA ngayong Nobyembre 3, magpapatupad ng taas-singil sa toll fee ang South Luzon Expressway (SLEX).

Kasunod ito ng pag-apruba ng Toll Regulatory Board (TRB) sa toll rate adjustment ng SLEX sa ilalim ng Petitions for Approval of Periodic Toll Rate Adjustment for 2012 and 2014.

Kaugnay rito, epektibo na sa Biyernes ang P10 dagdag sa toll fee ng mga motoristang bibiyahe mula Alabang hanggang Calamba para sa Class 1.

P20 dagdag naman sa Class 2 at P30 para sa Class 3.

Para naman sa mga magbibiyahe mula Calamba hanggang Sto. Tomas sa Batangas, ang karagdgang singil sa toll fee ay P4 sa Class 1, P6 sa Class 2, at P8 sa Class 3.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter