South Korea, pinatawan ng ikalawang round ng sanctions ang North Korea

South Korea, pinatawan ng ikalawang round ng sanctions ang North Korea

NAG-anunsyo ng karagdagang sanctions ang South Korea sa North Korea bilang pag-responde sa lumalalang security threats mula sa Pyongyang.

Nagdesisyon ang Seoul na magpataw ng independent sanction sa walong indibidwal mula sa North Korea maging sa pitong institusyon mula rito.

Kabilang dito ang secret nuclear at missile development programs nito.

Kabilang sa nadagdag sa blacklist ang mga opisyal at financial institutions na may kaugnayan sa mga programang ito ng Pyongyang.

Ito na ang ikalawang round ng sanctions ng South Korea sa North Korea mula nang magsimula ang administrasyon ni Yoon Suk Yeol noong Mayo.

Ang sanctions na ito ay ilang oras matapos magpahayag ang US Department of Treasury na kinilala nito ang tatlong senior North Korean members na nasa likod ng weapon development program ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter