BUMABA ang bilang ng exports ng South Korea ng mga produkto nito sa ibang mga bansa.
Ito ay dahil sa mahinang outbound shipments ng chips at mobile devices.
Ang bilang ng buwanang export ng bansa ay tinatayang umabot sa higit 33 bilyong dolyar mula Nobyembre 1-20.
Samantala, ang import ay bumagsak din sa higit 5 porsyento sa halaga na higit 37 bilyong dolyar na nagresulta sa trade deficit na higit 4 na bilyong dolyar.
Tinataya rin na isang normal na negosyo bawat araw ang nagsasara sa bansa mula pa noong nakaraang taon.
Lumabas din sa datos na ang outbound shipments ng chips na mainstay export product ng bansa ay bumagsak sa higit 29 na porsyento.