Starbucks, nagtayo ng isang $220-M Coffee Innovation Park sa China

Starbucks, nagtayo ng isang $220-M Coffee Innovation Park sa China

NAGTAYO ang US coffeehouse company na Starbucks ng isang planta na nagkakahalaga ng $220-M sa labas ng Shanghai, China.

Ang Coffee Innovation Park o ang tinutukoy na planta ng Starbucks na binubuo ng isang Roasting Plant at Distribution Center ay ang pinakamalaking investment ng kompanya sa labas ng Estados Unidos.

Nagsisilbi itong patunay na ikinokonsidera pa rin ng mga malalaking kompanya ang mag-invest sa China sa kabila ng mistulang paghina ng ekonomiya nito mula sa COVID pandemic.

Ang Starbucks ay mayroong 6,500 coffee shops sa mahigit 250 lungsod sa China.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble