Estados Unidos, magsusuplay ng depleted uranium tank shell sa Ukraine

Estados Unidos, magsusuplay ng depleted uranium tank shell sa Ukraine

INANUNSIYO ng Estados Unidos na magsusuplay ito ng depleted uranium tank shells sa Ukraine bilang bahagi ng mahigit $1-B na military at humanitarian aid.

Ang anunsiyo ay kasunod ng akusasyon ng Ukraine sa Russia matapos masawi ang 17 katao sa isang missile attack sa merkado.

Ang naturang bagong security package ng US para sa Ukraine ay kasunod na rin ng ginawang pagbisita ni US Diplomat Antony Blinken sa Kyiv kamakailan.

Ang 120mm uranium tank rounds kasama ang $175-M US military equipment na ibinigay sa Ukraine ay para sa M1 Abrams Tank na ihahatid sa huling bahagi ng taon na ito.

Magbibigay rin ang US ng mga anti-armour system, tactical air navigation system ,at karagdagang himars missiles.

Samantala, wala pa ring naging pahayag ang Presidente ng Russia sa nangyaring pag-atake sa Ukraine.

 

Follow SMNI News on Rumble