DUMALO sa isang pagtitipon si Superstar Nora Aunor na kung saan siya ay itinanghal bilang National Artist nitong Hunyo 29, ngayong taon sa Tanghalang Nicanor Abelardo, CPP Main Theater, Pasay City.
Ayon sa talumpati ng multi-awarded queen, hindi naging hadlang ang kanyang karamdaman upang hindi makadalo sa nasabing pagtititipon.
Nagpahayag din ito ng pasasalamat sa hindi paglimot sa kanya sa larangan ng sining.
Nakasama niya ang kanyang mga anak na sina Ian, at Kennet sa pagtanggap sa nasabing award.
Maliban kay Nora Aunor ay kinilala rin ang walong national artist na sina Ricky Lee, Tony Mabesa, Marilou Diaz Abaya, Agnes Locsin, Salvacion Lim-Higgins, Gemino Abad, at Fides Cuyugan-Asensio bilang Pambansang Alagad ng Sining 2022.