MATAPOS makapag-isyu ng warning sa mga konsyumer kaugnay sa proliferation ng tampered Globe At Home modems ang Globe, kasama ang Philippine National Police (PNP), nasabat ang unit ng Globe At Home Tozed S10g modem rebranded ng DITO stickers sa isang nagngangalang Marlou de Paz sa isinagawang sting operation sa Pala-Pala, Brgy. Sampaloc Dasmariñas Cavite.
Ayon sa police report, si De Paz, 33-taong gulang ay iniimbestigahan sa paglabag sa RA 8484 o ang Access Devices Regulation Act of 1998.
Nahuli si De Paz na iligal na nagbebenta ng “openline DITO modems” sa iba’t-ibang Facebook community groups sa mga residente sa Cavite.
Sa post ni De Paz sa Facebook, sinabi niyang kahit anong telco operator’s SIM ay maaring gamitin para gumana ang naturang unit.
Dagdag pa sa kanyang post na ang modems ay Tozed “S10g Home Prepaid WiFi device.”
Sa kasalukuyan, ang Globe lamang ang authorized distributor ng Tozed S10G modems sa Pilipinas.
Gumagawa na ngayon ng hakbang ang Globe upang tiyaking ang mga kostumer nito ay protektado sa mga iligal na aktibidad hinggil sa kanilang produkto at apparatus.
Nananawagan ang Globe na i-report ang mga kahina-hinalang aktibidad kaugnay sa Globe At Home’s modems at papanagutin sa awtoridad sa Department of Trade and Industry—Consumer Protection Group na may email address [email protected] or text 09178343330.
Maaari ring i-report ng mga kostumer sa pamamagitan ng https://www.globe.com.ph/report-tampered-modem.html
“Globe reminds its customers to buy only from legitimate Globe Stores nationwide. Customers may also buy online at Globe’s official Shopee and Lazada stores and its authorized dealers to ensure the devices’ quality and service guarantees,” panawagan ng Globe.
XMA Header Image
Report Tampered Globe At Home Modems