Taiwan, inaprubahan ang dagdag sahod para sa mga manggagawa

NAG-anunsiyo ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na may dagdag sahod ang Taiwan sa minimum wage ng mga manggagawa nito kabilang na ang mga Pilipinong nasa bansa.

Ayon sa POEA, inaprubahan na ng Ministry of Labor of Taiwan ang dagdag minimum wage salary ng mga manggagawa mula sa dating NT$23,800, ngayon ay nasa NT$24,000 na o may katumbas na P 40,000.

Bukod dito, ayon sa Ministry of Labor, may dagdag na benepisyo rin ang 1,500,000 na manggagawa kabilang na ang 470,000 na foreign workers kung saan 150,000 sa mga ito ay Pilipino.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.