WALA nang magiging expiration ang SIM card kung ganap nang mai-register ito simula December 27.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Usec. Anna Lamentillo sa panayam ng SMNI News, ito’y kahit hindi makapag-load ng ilang buwan.
Sa kasalukuyan, 2-6 na buwan na hindi nakapag-load ay mag-eexpire na ang SIM o deactivated na ito ng mga telecommunications company o telco.
Nilinaw na rin ni Lamentillo na maaaring magkaroon ng maraming SIM ang isang indibidwal basta’t isailalim ito lahat sa registration.
Ngayon, December 27 ay ganap nang ipatupad ang pagpaparehistro ng SIM at may 6 na buwan na palugit para sa mga nakabili na bago ang registration.
Muling ipinaalala ni Lamentillo na maliban sa pagbisita sa website ng telco provider ay kailangan ring makapagpakita ng valid ID para mairehistro ang SIM.
May itatayo ring registration centers sa malalayong lugar sa loob ng 2 buwan o 60 araw.