Task force na tututok sa rehabilitasyon ng Manila Bay, binuo ng DENR

IPINAG-utos na ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu ang pagbuo ng task force na tututok sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ito ay bilang bahagi ng pagsusumikap ng DENR na muling malinis at maibalik ang dating ganda ng Manila Bay.

Kabilang sa mga tungkulin ng binuong task force ay ang pagbabatay at pagsisigurong sumusunod ang mga establishimento sa paligid ng bay sa proper waste disposal gaya ng paglalagay ng kanal, tubo at creek.

Gayundin ang pagkuha ng mga engineering at technological specialist na tututok sa pagpapababa ng coliform level ng bacteria ng dagat.

Inatasan din ito na batayan ang mga sanitary landfills sa loob ng National Capital Region, Region 3 at Region 4A na nakadugtong sa Manila Bay.

SMNI NEWS