Tech expert, pinayuhan ang mga Pinoy na huwag nang mangutang sa mga lending apps

Tech expert, pinayuhan ang mga Pinoy na huwag nang mangutang sa mga lending apps

NAGPALABAS ng advisory kamakailan ang Globe Telecom laban sa mga online lending apps na lumalabag sa batas.

Ayon sa Globe, ‘notorious’ ang ilan sa mga ito sa pag-access ng icon user data na nagreresulta sa spam at scam messaging.

Delikado ang mga online lending apps dahil ma-a-access nito ang mga pribadong impormasyon ng user.

Ayon naman sa isang tech-expert, pinapahiya ng ilang online lending app ang kanilang user.

Payo naman ngayon ng Globe sa mga end user, i-uninstall ang mga application na ito dahil mapanganib.

Payo rin ng Globe sa mga Pinoy na humanap ng legitimate platforms kung saan pwedeng manghiram ng pera.

“These online lending apps are very dangerous. You should be very careful. Please do not install these apps or if you already have, please uninstall them. We know that the times are hard these days but please find legitimate platforms to get the financial support you need,” pahayag ni Anton Bonifacio, Globe’s Chief Information Security Officer.

Follow SMNI NEWS in Twitter