Texas, isinailalim sa state of emergency dahil sa winter storm

INAPRUBAHAN na ni President Joe Biden ang pagsasailalim ng Texas sa state of emergency.

Ito ay kaugnay ng babala ng mga awtoridad sa United States patungkol sa hagupit ng winter storm.

Ayon sa National Weather Service (NWS), mahigit 150 milyong Amerikano na ang nasa ilalim ng winter storm warnings.

Samantala, umabot rin sa hilagang bahagi ng Mexico ang naturang winter storm kung saan nasa 4 na milyong kabahayan at business establishments na ang nawalan ng kuryente.

Kabilang pa sa mga apektadong states ay ang Kentucky, Mississippi, Alabama, Oregon at Oklahoma.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.