Thailand, kumita ng $14.1-M sa pag-eexport ng lobster sa China

Thailand, kumita ng $14.1-M sa pag-eexport ng lobster sa China

KASUNOD ng pagpapatupad ng China ng ban sa pag-aangkat ng lobster, tumaas sa ikapitong puwesto ang Thailand sa mga bansang nangunguna sa pag-export nito.

Kumita ang Thailand ng $4-M noong 2023 sa pag-export ng lobster sa China, 160 beses na mas mataas kumpara sa kita nitong higit $8-K lamang noong 2019.

Ayon sa South China Morning Post, ang pag-import ng China ng lobster mula sa Southeast Asian countries kabilang ang Thailand, Indonesia, at Vietnam ay dumoble simula noong 2019.

Lumabas sa ulat na higit dalawang porsiyento ng inangkat na lobster ng China ay mula sa Thailand.

Sa ngayon ay doble kayod pa ang ginagawa ng mga awtoridad ng Thailand para mas lalong makilala ang mga agrikultural na produkto at mga yamang dagat ng bansa.

Noong nakaraang linggo, inanunsiyo ng Department of Intellectual Property (DIP) na nasa proseso na ito ng pagrerehistro sa seven-color lobster ng Phuket bilang isa sa geographical indication product ng Thailand.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble