NAKIPAGPULONG ang bansang Thailand sa Taiwan sa usapin ng water management at renewable energy.
Naniniwala ang pamahalaan ng Thailand na maganda ang patutunguhan ng pakikipag-ugnayan ng bansa sa Taiwan.
Apektado ngayon ng malawakang pagbaha ang ilang rehiyon ng Thailand.
Maliban dito problema rin sa bansa ang kakulangan ng tubig partikular na sa Eastern Special Development Zone sa silangang bahagi ng rehiyon na siyang pinaniniwalaan na dapat paglaanan ng mataas na porsiyento ng tubig sa darating na panahon.
Kaya bilang tugon dito ay makikipagtulungan ang bansang Taiwan sa pamamagitan ng isang seminar na “Taiwan water management & sustainable energy” na naglalayong mapagtuunan ng pansin ang renewable energy at water management.
Naniniwala rin ang bansa na matutulungan ng nasabing programa ang mga entrepreneur sa pagbabalanse ng kanilang resources.
Samantala, naglatag naman ng kapamaraan ang pamahalaan ng Thailand sa pamamagitan ng “Industry overview of water management” upang matugunan ang demand ng tubig sa bansa.