TUTULONG ang Estados Unidos na mag-develop ng nuclear power ang Thailand sa pamamagitan ng bagong class ng small reactors na bagong programa nito para labanan ang climate change.
Ito ang inihayag ni Vice President Kamala Harris nang bumisita ito sa Thailand para sa APEC Summit.
Ayon sa White House, ang assistance ay parte ng Net Zero World initiative nito na inilunsad noong nakaraang taon sa Glasgow Climate Summit.
Wala ring nuclear power ang Thailand dahil na rin sa pagkatakot ng mga residente nang mangyari ang 2011 Fukushima disaster sa Japan.
Ayon sa White House, mag-aalok ito ng technical assistance sa bansa para mag deploy ng developing technology para sa maliliit na modular reactors na factory-built at portable.
Ang mga reactor na ito ay ikinukunsiderang ligtas dahil hindi na kinakailangan ng human intervention para mag-shut down tuwing may emergency.