“The Marvels”, opisyal nang tinaguriang ‘lowest-grossing’ installment sa buong Marvel Universe History

“The Marvels”, opisyal nang tinaguriang ‘lowest-grossing’ installment sa buong Marvel Universe History

Opisyal nang pinangalanan ang “The Marvels” bilang pinaka ‘lowest-grossing’ installment sa buong kasaysayan ng Marvel Cinematic Universe.

Sa $220-M na budget, nasa $197-M lang ang gross nito.

Kung ikukumpara sa ibang Marvel movies, ang “Avengers: Endgame” ay kumita ng $2.5-B sa kanilang opening weekend pa lang.

Nakikitang dahilan ng ilan sa mahinang kita ng “The Marvels” ang kakulangan ng promotion dahil sa nangyayaring kilos- protesta ng Screen Actors Guild-American Federation of Television and Radio Artists 2023.

Panahon din ng COVID nang ito ay nai-shoot at kulang ng masinsinang pangangasiwa ng mga executive.

Ang “The Marvels” ay pinagbidahan ni Brie Larson at tampok din dito ang South Korean actor na si Park Seo-Jun.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble