SUMAILALIM sa isang surgery nitong Marso 11, 2025 ang legendary golfer na si Tiger Woods para sa kaniyang napunit na achilles tendon sa kaliwang binti.
Naging maayos naman ang pagsagawa ng surgery at inaasahang hindi gaanong magtatagal ang recovery para dito.
Sa ngayon ay hindi pa matiyak kung kailan makapaglalaro muli ng golf si Woods.
Sa gaganaping golf tournament ngayong Abril 10 hanggang 13 sa Augusta National Golf Club sa Georgia, USA ay siguradong hindi makakasali ang legendary golfer.