IPINAGBABAWAL muna ng isang taon sa Albania ang short video app na TikTok kasunod ng pagkamatay ng isang teenager noong nakaraang buwan.
Epektibo ito ayon sa kanilang prime minister sa susunod na taon.
Sa isang pahayag, naniniwala ang Albanian government na social media ang nagiging sanhi para lumala ang karahasan sa mga kabataan sa loob at labas ng paaralan.
Sa kaso nga ng nasawing 14-years old na lalaki noong nakaraang buwan, sinaksak ito ng kaniyang kaklase dahil unang nag-away ang dalawa sa social media.