NAG-ABOT ng tulong pinansyal ang Kamara sa mga naiwang pamilya ng mga nasirang rescuer sa San Miguel Bulacan sa kasagsagan ng Super Typhoon Karding.
Si House Speaker Martin Romualdez mismo ang nag-abot ng tulong sa mga naiwang pamilya ng lima.
Inabot din ni Romualdez ang kopya ng house resolution na kinikilala nag kabayanihan ng mga nasawing rescuer.
Magkakaloob din ng tulong si Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez sa naiwang 5 pamilya ng Bulacan.
Kabilang dito ang medical, burial, educational in the form of laptop, scholarship program para sa mga anak, job opportunities at livelihood program packages.