Turismo sa Chiang Mai, palalaguin ng Thailand sa pamamagitan ng bagong proyekto at konstruksiyon

Turismo sa Chiang Mai, palalaguin ng Thailand sa pamamagitan ng bagong proyekto at konstruksiyon

INIHAYAG ni Thai Prime Minister Srettha Thavisin na isusulong niya ang pagkakaroon ng public electric transport vehicles para maisaayos ang isyu ng air pollution sa Chiang Mai.

Ayon sa digital newspaper sa Bangkok, nilinaw ng punong ministro na magtatayo ang gobyerno ng tatlong ring road at electric railway sa lugar para mas maging madali sa mga turista at mga lokal na residente na magbiyahe sa Chiang Mai.

Dagdag pa nito, ang probinsiya ay isang malaking tourism hub kaya dapat ay maitayo na ang mga electric train sa lalong madaling panahon.

Samantala, palalawigin din umano ang Chiang Mai International Airport ngayong taon.

Ayon pa sa Punong Ministro, magsasagawa ang gobyerno ng pag-aaral ukol sa pagtatayo ng bago at alternatibong paliparan sa probinsiya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter