PINUTOL na ng bansang Mali ang kanilang ugnayan sa Ukraine.
Ito’y dahil naniniwala sila na tinulungan ng Ukraine ang mga grupo ng armadong indibidwal na umatake sa kanilang bansa noong nakaraang buwan.
Nahirapang talunin ng kanilang mga sundalo at maging ang mula sa Russia ang mga armadong ito.
Maliban sa Mali ay naniniwala rin ang Senegal na suportado ng Ukraine ang naturang pagsalakay.