UK Filipino golfers nagsagawa ng ika-3 taunang tournament para sa Philippine Charity

UK Filipino golfers nagsagawa ng ika-3 taunang tournament para sa Philippine Charity

SA kabila ng ulan, ang UK Filipino Golfers Society ay nagpatuloy sa kanilang torneo sa Epping Forest Golf Club, na nagdadala ng pagkakaisa at pagtutulungan para sa isang makabuluhang layunin.

Nagkakaisa ang mga miyembro sa pagtulong sa mga nangangailangan sa kanilang bayan kahit sila’y malayo.

Ayon kay Jun Llandelar, tagapag-organisa ng event, patuloy niyang misyon ang makatulong sa House of Hope Foundation.

Ang foundation na ito ay tumutulong sa mga batang may cancer sa Pilipinas. Atin ding matatandaan na ang foundation na ito ay sinusuportahan din ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Aniya, ang taunang torneo ng grupo ay naging makabuluhang paraan upang magbigay ng suporta.

“Bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap, binigyan ng sertipiko ng pagpapahalaga ang mga kalahok mula sa charity bilang tanda ng pagpapasalamat sa kanilang walang pag-iimbot na tulong para sa mga batang may cancer. Bukod dito, nagkaroon din ng pa-raffle na nagbigay ng dagdag-pondo para sa foundation,” pahayag ni Jun Llandelar, Event Organizer.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter