Unang araw ng voter’s registration ng COMELEC, dinagsa ng PWDs, senior citizens

Unang araw ng voter’s registration ng COMELEC, dinagsa ng PWDs, senior citizens

UNANG araw pa lang ng voter’s registration para sa 2025 midterm polls, ganito na ang sitwasyon sa COMELEC Main Office sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila.

Ang kick off ng resumption ng registration para sa nalalapit na halalan ay tinawag ng Commission on Elections (COMELEC) na National Voter’s Day.

Mga senior citizen at PWDs ang ilan sa mga maagang pumila para makapagparehistro.

Puwede magparehistro, magpa-transfer, magpare-activate at magpabago ng pangalan.

62-anyos na lalaki mula Maynila, unang beses magparehistro sa COMELEC

Ang 62-anyos na si Roberto, first time umano na magpaparehistro.

Ang kaniyang asawa at dalawang anak hindi rin umano registered voters.

Ang mga kabataan, hindi rin nagpahuli sa mga matatanda.

Gaya na lamang ni Fredrich na mag dedisi- otso bago ang halalan sa Mayo 10, 2025.

Si Laarni naman na galing ng bansang Taiwan pumunta ng COMELEC para magpabago ng lugar na pagbobotohan.

Aminado ito, na noong nasa Taiwan ito ay hirap siyang makilahok sa halalan at sa 2025 ay gusto nitong sa Maynila na siya boboto.

Habang ang iba, magpapalipat ng voting place para makakuha umano ng ayuda?

Tulad na lamang nila Manong Rodel at ng 70-anyos na si Manuel Alba.

Si Manong Manuel, mula Antipolo, ay gusto nang bomoto sa Maynila para sa inaasam na pension.

COMELEC, nagpaalala na iwasan ang last minute registration

Paalala naman ng COMELEC, umiwas sa last minute registration.

Ang huling voter registration ay sa katapusan ng Setyembre ng kasalukuyang taon.

Babala ng COMELEC, hassle ang huling araw ng registration.

Ang voter registration ay gagawin mula Lunes hanggang Sabado kabilang ang mga araw ng holidays maliban sa Lenten Season.

Voter Registration Period:

12 Pebrero 2024 – 30 Setyembre 2024 Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holidays 8:00 a.m. – 5:00 p.m.

Puwede pumunta sa pinakamalapit sa tanggapan ng COMELEC para sa pagpaparehistro.

Maari din sa mga mall at sa mga lugar kung saan may RAP.

Voter Registration Sites:

Opisina ng Election Officer (OEO) sa inyong lugar

Satellite o Mall Registration Sites

Register Anywhere Program (RAP) Registration Sites

2.5-M na karagdagang botante para sa 2025 elections, target ng COMELEC

Target ng COMELEC na nasa 2.5-M ang magpaparehistro kasabay ng resumption ng voter registration.

Sa pagpaparehistro, paalala ng komisyon, bawal na ang company ID’s at gov’t issued ID lang ang tatanggapin ng komisyon.

Pero kung walang-wala talaga ang aplikante ng kahit anong uri ng gov’t ID, ayon sa COMELEC.

Ang mga 17 years old na aplikante at magdedesi-otso bago ang Mayo 12, 2025 maaring magparehistro gamit ang school o Library ID.

Ang bawat aplikasyon para makalahok sa halalan gaya ng registration, transfer, change of name/correction of entries, o inclusion/reinstatement ay dadaan sa Election Registration Board (ERB) hearing kung saan sinasala at inaapruba o dinidis-apruba ang applications na natanggap ng Office of the Election Officer (OEO).

Sakaling hindi naaprubahan ang application, magpapadala ng notice of disapproval sa apektadong registrant ang OEO sa loob ng limang araw mula sa pagtatapos ng ERB hearing.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble