MAAARI nang makita ng fans ang una sa tatlong bronze statues ng basketball legend na si Kobe Bryant.
Nitong Pebrero 8, 2024 nang ito ay isinapubliko sa Laker’s Arena sa Los Angeles, California.
Featured sa unang istatuwa si Bryant noong 2006 kung saan suot niya ang kaniyang no. 8 uniform at tinuturo ang langit nang makuha nito ang kaniyang 81 points kontra Toronto Raptors.
Kasabay ng istatuwa ay QR code para mai-scan ng fans at makikita nito ang isang Bryant highlight video na isinasalaysay ni Denzel Washington.
Ang pagsasapubliko ng natitirang dalawang bronze statues kung saan suot naman ni Bryant ang kaniyang no.24 uniform at ang isa na kasama nito ang kaniyang anak na si Gianna ay iaanunsiyo pa.
Si Kobe at Gianna ay kasama sa bumagsak na isang helicopter noong 2020.