POSIBLENG tumawid lang mula sa ibang bansa ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na undocumented at nagtatrabaho ngayon sa Sudan.
Ito ang sinabi ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chairperson at Kabayan Party-list Rep. Ron Salo sa panayam ng SMNI News.
Sa kabila aniya ito ng pagpapatupad ng deployment ban sa Sudan simula pa noong taong 2019.
Kaugnay nito, hinihikayat ng kongresista ang lahat na nagbabalak magtrabaho sa abroad na dumaan sa tamang proseso.
Ito’y dahil sakali aniyang magkaroon ng kaguluhan gaya ng nangyari sa Sudan ay tiyak na mabibigyan sila ng sapat na proteksiyon.
Sa ngayon ay mahigit animnaraang (625) Pilipino na ang nailikas mula sa Sudan.
Samantala, inihayag naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sisikapin nilang makapasok na sa Egypt ang mga Pilipinong nag-aantay ng tulong sa border ng Sudan at Egypt.
Ito ang tiniyak DFA Usec. Eduardo de Vega sa panayam ng SMNI News.
Siniguro din ng DFA na kanilang tutulungan ang dokumentado o hindi dokumentadong OFW na makapaghanap ng panibagong trabaho sa ibang bansa.