ASAHAN ang mahigit 1 pisong rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa pagtataya, bababa mula P1.50 – P1.80 ang kada litro ng gasolina habang P1.20 – P1.50 sa diesel.
May bawas-presyo rin ang kada litro ng kerosene na mula P1.10 – P1.40.
Asahan ngayong araw ng Lunes ang anunsiyo ng mga kompanya ng langis para sa kanilang pinal na price adjustment.
Samantala, may bawas-presyo rin ang kada kilo ng liquified petroleum gas (LPG) ngayong linggo.
