UP, ‘leading institution’ sa bansa sa larangan ng research at science

UP, ‘leading institution’ sa bansa sa larangan ng research at science

‘LEADING institution’ sa bansa ang University of the Philippines (UP) ayon sa Ad Scientific Index 2025.

Ibig sabihin nito, nananatiling nangunguna ang UP sa larangan ng research at scientific innovation sa Pilipinas.

Ang Ad Scientific Index ay isang global ranking system kung saan isinasalang sa evaluation ang mga scientist at iba’t ibang institusyon batay sa kanilang research productivity at citation impact.

Mula rito, sinabi ng UP na mas paiigtingin pa nila ang kanilang ginagawa tungo sa ikabubuti ng mga komunidad sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble