ISINAGAWA ang Valkyrie Blood Transfusion Exercise.
Ipinakita ng mga tauhan ng US Marine Corps ang isang teknik ng pagkuha at pagsasalin ng dugo mula sa isa sa mga sundalo sakaling kailanganin ng kasamahan nito ang dugo sa gitna ng emergency.
Nagsilbing observer naman ang ilang tauhan ng Philippine Marine Corps bilang dagdag kaalaman sa mga kahaharaping emergency o sitwasyon sa gitna ng kanilang pagganap ng tungkulin.
Ayon sa mga dayuhan, praktikal na paraan ito kung sakaling wala nang suplay ng dugo ang isang grupo ng mga sundalo at kailangan ng agarang pagsasalin nito sa isang sugatang sundalo.
Maaari lamang itong gawin ng isang indibidwal na may karanasan sa medical practice.