DUMATING na sa Pilipinas ang Filipino-American actress na si Vanessa Hudgens para sa isang documentary na gaganapin sa Palawan at Manila.
Sa pagdating, sinalubong si Hudgens nina Presidential Adviser on Creative Communications Paul Soriano at ilang opisyal ng Department of Tourism.
Samantala, sa isang interview ay sinabi ni Hudgens na magiging relatable na documentary na kaniyang gagawin sa napakaraming kababaihan sa buong mundo.
Inaasahan naman na magsasagawa ng courtesy call ang Hollywood actress kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ngayong linggo.
Kilala si Hudgens sa kaniyang papel bilang Gabriella Montez sa Disney hit film trilogy na “High School Musical”.