KUMPYANSA ang Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) na babalik sa pre-pandemic levels ang vehicle sales ngayong taon.
Sa tansya, 10 – 15% ang maaaring itataas ng sales kung ikukumpara sa nakaraang taon.
Binigyang-diin ng CAMPI na muli nang tumaas ang demand ng bagong sasakyan at gumaganda na rin ang mga uri ng supply kaya positibo sila sa paglakas ng vehicle sales.
Nangunguna sa vehicle sales sa Pilipinas ang Toyota Motor Philippines Corporation.
Sinundan ito ng Mitsubishi Motors Philippines Corporation at pangatlo ang Ford Motor Company Philippines Incorporated.