Miyembro ng CTG, huli sa Davao Occidental

Miyembro ng CTG, huli sa Davao Occidental

ARESTADO ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos ang ikinasang manhunt operation sa Brgy. Pinalpalan, Malita, Davao Occidental.

Kinilala ni PNP CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. ang nahuli na si Jonathan Palacay Macaraba, alyas Bagwis at nahaharap sa paglabag sa RA 9208 na inamyendahan ng RA 10364 o Anti-Trafficking in Person Act of 2003.

Ayon kay Caramat, dinakip si Macaraba makaraang maglabas ng warrant of arrest ang korte sa Malita, Davao Occidental.

Si Macaraba ay miyembro ng teroristang grupo sa ilalim ng Daguma Guerilla Front-Tala ng Tangali Latian Command at tinaguriang No. 3 Provincial Most Wanted Person sa Davao Occidental.

Sa ngayon, nakakulong ang akusado sa Malita Municipal Police Station habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant of arrest sa court of origin.

Follow SMNI NEWS in Twitter