Villar, hinikayat ang OFWs na dumalo sa OFW & Family Summit 2023 sa November 10

Villar, hinikayat ang OFWs na dumalo sa OFW & Family Summit 2023 sa November 10

INANUNSIYO ni Sen. Cynthia A. Villar na maaari nang magparehistro ang overseas Filipino workers (OFWs) at mga miyembro ng pamilya nito para sa 12th OFW and Family Summit sa Nobyembre 10 na gaganapin sa The Tent, Vista Global South, C5 Road, Las Piñas City.

Sinabi ni Villar na ang tema sa summit sa taong ito ay “Masaganang Kabuhayan Para sa OFWs and Families.”

“My family and many OFWs always look forward to this event because it has evolved into an occasion where OFWs and their families gather and interact with private and government institutions for concerns ranging from access to financial services, social benefits, legal assistance, among others,” giit ni Villar.

“We hope to inculcate financial literacy among OFWs, which will equip them with the necessary tools to grow their money in their homeland,” sabi pa ng senador na kailalang advocate ng karapatan at kaligtasan ng ating migrant workers.

Sa one-day summit, na magsisimula 8 a.m. at matatapos 4 p.m. ay tuturuan ang mga lalahok ng magagandang paraan ng pag-invest ng kanilang pinaghirapan na pera at maiwasang maging biktima ng human trafficking, illegal recruitment at investment scams.

Maaaring magpatala ang OFWs at miyembro ng pamilya gaya ng asawa at mga anak at magulang at mga kapatid. Libre ang pagpaparehistro sa entrance ng venue.

Kailangang rehistrado para makasali sa raffle draw na may premyong Camella house and lot, motorcycles at mga ‘kabuhayan showcase’ mula sa All Day Home.

Puwede ring magparehistro online ang mga gustong lumahok. Pumunta lamang sa link: https://ofwsummit2023.villarsipag.org/; o i-scan ang QR code sa harap ng flyer/poster at sundin ang instructions.

Maaari din silang magtungo sa OFW & Family Summit Desk na nasa mga sangay ng Vista Mall at Star Mall sa buong bansa.

Makapagparehistro din sila on-site sa Nobyembre 10, Biyernes.

Matapos ang registration, hintayin ang confirmation/verification na ipadadala sa kanilang sa email o mobile.

Sa mga lalahok sa summit, kailangang magdala ng mga sumusunod: passport at working visa ng OFW, katibayan ng remittances, seaman’s book, job contract, kopya ng marriage contract, birth certificate para patunay na kamag-anak ang OFW, COVID vaccination card, vax certificate o International Certificate of Vaccination sa 1st dose at 2nd dose.

Follow SMNI NEWS on Twitter