Visa issuance para sa mga Chinese national, gustong alisin ng DOJ sa DFA

Visa issuance para sa mga Chinese national, gustong alisin ng DOJ sa DFA

ITINUTULAK ng Department of Justice (DOJ) na masuri o marebyu ang sistema ng bansa pagdating sa pag-isyu ng Visa para sa mga Chinese national.

Ito ay sa kalagitnaan ng napapaulat na illegal na aktibidad na nakakapasok sa atin gaya ng human trafficking, illegal recruitment at maging sa isyu ng West Philippine Sea.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, mas dapat maging maingat ang bansa sa mga dayuhang papasok.

At naniniwala ito na marami nang singaw sa sistema ng pagpapasok ng bansa sa mga tsino.

Ayon kay Remulla, irerekomenda nito kay Pangulong Bongbong Marcos na maialis sa DFA ang mandato ng pagbibigay ng Visa sa mga Chinese at mailipat ito sa Visa Facilitation Service (VFS).

Mas istrikto ang naturang pribadong kumpanya at mas may kapasidad na mabeperika ang mga impormasyon ng mga Chinese traveller.

Tiwala din si Remulla sa VFS sa paghawak sa Visa issuance system ng bansa dahil ginagamit ito ng ibang bansa.

Samantala, inihalimbawa naman ni Remulla sa treason o pagtratraydor sa bayan ang pagpapasok ng mga illegal Chinese sa bansa dahil sa pera.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter