Volleyball player Myla Pablo, nagpaalam na sa Petro Gazz; F2 Logistics ang ipinalit

Volleyball player Myla Pablo, nagpaalam na sa Petro Gazz; F2 Logistics ang ipinalit

TULUYAN nang nagpaalam si 29-year-old veteran volleyball player, open spiker Myla Pablo sa pamunuan ng Petro Gazz Angels upang lumipat sa F2 Logistics Cargo Movers.

Ayon kay Pablo na ang kanyang susunod na hakbang ay para maging mas mahusay pa na volleyball player at ma-grow sa kanyang larangan.

Nagpasalamat naman si Pablo sa Petro Gazz Angels na tinulungan siyang manalo ng bronze medal sa 2021 Open Conference, runner-up finish sa sumunod na taon, at ang kanilang pangalawang franchise championship sa Reinforced.

Sa ngayon ay tuluyan nang tinanggap ang multi-awarded outside spiker na si Pablo sa koponan ng F2 Logistics Cargo Movers.

Kasama ang mga beterano na sina Kim Kianna Dy, Majoy Baron, Kim Fajardo, Ivy Lacsina, at Aby Maraño na bumubuo sa core. nagpaalam 

Follow SMNI NEWS in Twitter