OPISYAL nang namaalam si Vice President-Elect Sara Duterte sa City Government of Davao.
Naging guest speaker sa flag raising ceremony ng Davao City si VP Sara kaninang umaga kung saan ang nakasanayang aktibidad ay panghuli na pala nito.
“Daghang salamat sa pagkuyog kanako sa atong biyaheng Du30. It was an eventful 6 years,” talumpati ni VP-Elect Sara.
Mahirap mang tanggapin ang pamamaalam ng VP-elect ay walang magawa ang mga empleyado ng city hall.
“I would like to finally bid you all goodbye in the city government of Davao,” ayon pa kay VP-Elect Sara.
Tiwala naman si VP Sara sa kakayanan ng mga bagong opisyal ng siyudad na maipagpapatuloy ang Duterte brand of leadership.
“Leading Davao City has been a learning, humbling, and eye opening experience. It is an experience that I am glad to have shared with all with you,” ani VP-Elect Sara Duterte.
May isa pang termino sana bilang Davao Mayor si VP-Elect Sara ngunit nagdesisyon nitong maging running mate ni President-elect Bongbong Marcos.
Kapwa mahigit sa 30 milyong boto ang nakuha ng dalawa sa nagdaang eleksyon.
“It has been an honor and a privilege to serve as your City Mayor. It has been an honor serving Davao City beside all of you,” ayon pa kay VP-Elect Sara.
Pupulungin naman ni Mayor Sara ang mga department head ng siyudad sa susunod na linggo.
Dalawang proyekto ng siyudad ang patututukan ni VP-Elect Sara sa BBM administration.
Ito ay ang high priority bus system na layong ma-decongest ang siyudad at mabawasan ang trapik.
Pati na ang waste to energy project ng Davao City.
May payo naman si VP-Elect Sara sa kapatid na si incoming City Mayor Baste Duterte.
“As Mayor, dapat niya laging isapuso ang general welfare clause ng local government code. And there will always be issues and challenges na ‘di magiging masaya ang lahat ng tao. But kung gagawin lang niya at susundin lang niya ang general welfare clause, and yung general welfare ng karamihan and the majority then we will always be in the right side,” ani Sara.