VP Sara, hindi na maaaring tumayo bilang abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte —Atty. Roque

VP Sara, hindi na maaaring tumayo bilang abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte —Atty. Roque

HINDI na tatayo si Vice President Sara Duterte bilang abogado ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Iyan ang sinabi ni Atty. Harry Roque habang sila’y nasa The Hague, Netherlands.

Sa ilalim kasi ng Article VII, Section 13 ng Saligang Batas, hindi pupwedeng ipagpatuloy ng presidente, bise presidente, at iba pang matataas na opisyal ang kanilang pribadong propesyon habang nasa panunungkulan.

Ang pahayag ay paglilinaw ni Roque sa nauna niyang sinabi na nais nilang ipa-accredit si VP Sara bilang legal counsel ng kanyang ama para magkaroon siya ng karapatang bumisita nang malaya sa loob ng International Criminal Court (ICC) detention center.

Inilahad ng abogado kamakailan na pahirapan ang pagbisita kay dating Pangulong Duterte kung saan ilang beses hindi inaprubahan ng ICC ang hiling ng pangalawang pangulo na madalaw ang kaniyang ama.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter