VP Sara, inakusahan ang PNP na tagapagpatupad ng interes ng politiko

VP Sara, inakusahan ang PNP na tagapagpatupad ng interes ng politiko

Binatikos ni Vice President Sara Duterte ang Philippine National Police (PNP), at sinabing sa aktuwal na operasyon ay nagsisilbi itong enforcement arm o tagapagpatupad ng interes ng politiko.

Kinuwestiyon din niya ang agarang pahayag ng PNP chief na walang naganap na rescue, kahit wala pa umanong maayos na imbestigasyon at hindi pa siya o ang iba pang sangkot na kinukuhanan ng salaysay.

Ayon kay Duterte, mayroon silang hindi bababa sa limang dokumentadong banta umano mula sa mga tauhan ng PNP laban sa kaniya, sa mga kawani ng Office of the Vice President (OVP) at sa kaniyang pamilya.

Sinabi rin niyang maaaring hindi na niya maiharap ang mga banta sa impeachment proceedings matapos bawiin ng prosecution ang kasong grave threats laban sa kanya.

Giit ng bise presidente, hindi lamang siya kundi marami ring Pilipino ang hindi nakakaramdam ng seguridad dahil sa umano’y pagkabigo ng law enforcement na protektahan ang karapatan ng mamamayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter