NANANATILING mahigit 50 percent ang satisfaction at trust ratings ni Vice President Sara Duterte.
Ibig sabihin ay nananatili ring si VP Sara ang highest-rated government official sa bansa.
Sa gitna nito ng bahagyang pagbaba ng ratings ng pangalawang pangulo sa loob ng magkasunod na dalawang buwan.
Sa resulta ng Tangere Survey na isinagawa noong Mayo 22 – 25, 2024 nasa 52 percent ang satisfaction rating habang 60 percent ang trust rating nito.
Nakakuha ng pinakamataas na suporta si VP Sara sa Mindanao.
Sa North, Central at South Luzon at Bicol Region naman nagmumula ang mataas na dissatisfaction rating para dito.
Kung matatandaan, sa hiwalay na resulta ng Marso 24 – 27, 2024 survey ng OCTA Research, nasa 64 percent na lang ang satisfaction rating nito kumpara sa 75 percent ng pangalawang pangulo noong Disyembre 2023.
Ang trust rating nito ay nasa 68 percent na lang kumpara sa 77 percent noong nakaraang taon.