KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino na nadamay sa 5.6 magnitude na lindol sa West Java, Indonesia na nangyari noong Lunes, Nobyembre 21, 2022.
Ito’y batay sa natanggap na ulat ng DFA mula sa Embahada ng Pilipinas sa Indonesia.
Inihayag naman ni DFA spokesperson Assistant Secretary Ma. Teresita Daza na tinatayang 6,700 ang kabuuang bilang ng mga Pilipino sa Indonesia.
Sa bilang na ito, nasa 460 Pinoy ang naninirahan sa West Java.
Sa huling tala ng Indonesian authorities, mahigit 160 katao ang namatay habang daan-daan ang sugatan dahil sa lindol sa West Java.