NANANAWAGAN si dating Palace Official Atty. Harry Roque sa lahat ng water concessionares na mag-invest ng pasilidad at teknolohiya para magkaroon ng sapat na suplay ng tubig ang bansa.
Aniya, sobrang malaki na ang kinita ng mga ito subalit hanggang ngayon ay wala pang desalination facility ang bansa sa kadami-dami ng mga tubig na nakapaligid dito.
Ipinanawagan na rin ni Roque na sana’y magkaisa na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Irrigation Administration (NIA) para sa mga proyekto hinggil sa pagkakaroon ng sapat na suplay na tubig partikular na sa mga magsasaka.
Sa ngayon ay ikinababahala ang pagbaba ng water level sa Angat Dam na siyang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila.