NAPANATILI ni Melvin Jerusalem ang kanyang WBC Minimumweight title matapos nyang natalo muli si Yudai Shigeoka sa kanilang naging laban nitong March 30, 2025 sa Nagoya, Japan.
Bagamat walang nangyaring knockout sa kanilang boxing match ay mas pinaboran ang Pinoy boxer via unanimous decision.
Noong March 2024 nang makuha nya ang naturang titulo mula kay Shigeoka.
Sa naturang match ay dalawang beses nyang pinabagsak ang Japanese national kung kaya’t naipanalo nya ang laban noon.
Noong September 2024 ay nadepensahan naman ni Jerusalem ang titulo nang maglaban sila ng Mexican na si Luis Castillo sa Manila.