WHO, ikinadismaya ang hindi pagpayag ng China para imbestigahan ang dahilan ng COVID-19

IKINADISMAYA ng World Health Organization (WHO) ang hindi pagpayag ng bansang China sa pagpasok ng team na nakatakdang mag-imbestiga sa pinagmulan ng novel coronavirus.

Ayon kaya WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, nakatakdang magbiyahe ang dalawang miyembro ng ahensiya ngunit hindi na natuloy dahil hindi pa isinapinal ng mga Chinese officials ang kinakailangang persmiso ng pagdating ng team sa China.

Una nang itinakda ng team ang imbestigasyon sa Wuhan City sa China noong Disyembre 2019 nang magsimula ang outbreak ngunit naantala ito dahil sa outbreak ng ilang bansa.

Umaasa naman si Mike Ryan, Executive Director ng health emergencies ng WHO na mareresolba ang naturang usapin matapos makausap ang ilang Chinese senior officials.

SMNI NEWS