NANGONGOLEKTA na ng withholding tax sa kanilang sellers o mangangalakal ang electronic marketplace operators gaya ng Shopee at Lazada.
Sinimulan ito noong Hulyo 15 ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Saklaw sa 1-percent withholding tax ang online merchants na may kita mahigit sa P500-K kada taon.
Ipinaliwanag ng BIR, layunin nilang maging patas ang online sellers sa tipikal na mga tindahan sa pagbabayad ng tax.